Gusto kong sumigaw
Gusto ko nang umayaw
Tang’na, ano ba to?
Tagos na hanggang buto
Masakit talaga
Ako ba’y mahalaga?
Kung hindi, ayos lang
Huwag lang ako’y lutang
Sa ere maiwan
Babagsak sa kawalan
Sabihin mo agad
Nang ako’y di maghangad
Ng higit sa dapat
O pag-ibig na tapat
Gusto kita, oo
Mahal kita? Siguro
Yun lang ang alam ko
Sana’y wag kang sumuko
Gusto kong sumigaw
Gusto ko nang umayaw
Huling hirit na ‘to
Itaga mo sa bato

21 May 2015

Pin It on Pinterest

Share This