Gusto kong sabihin sa’yo,
Takot ako sa paglayo.
Takot ako sa bukas,
Dahil baka iyon na ang wakas.
Alam mo bang ika’y mahal.
Ikaw ang aking dasal.
Ikaw ang aking hinanap,
Akala’y di abot sa ulap.
Ngunit ako ang natagpuan,
Sa ilalim ng bituin at buwan.
Sa ilalim ng acacia,
Pareho tayong nagpasya.
Sumugal at tumaya,
Simulan nating sumaya.
Simulan natin sa ika-apat.
Noong ika’y nagtapat.
Balikan natin sa ika-tatlo.
Noong ako’y sinalo.
Noong ako’y pinatawa,
Nakinig, at inunawa.
Sinundan mo ng sorpresa,
Lahat ginawa mo ng kusa.
Lahat ginawa para sa’kin,
Sagipin, hatakin.
Halikan.
Hagkan.
Hagkan mo ako’t yakapin.
Ang bukas ating harapin.
Maglalakas loob,
Malakas aking kutob.
Malakas aking tiwala,
Sa ating naging simula.
Kahit mahirap, kakapit,
Hahawak nang mahigpit.
Hahawak sa pangako
Na kailan ma’y di susuko
Sa iyo, sa “tayo”,
Gusto kong sabihin sa’yo.