A few days ago, someone sent me a reply for my post Hindi Ka Mahirap Mahalin. With the author’s permission, I am publishing it in full and in its original form.

Salamat sa’yo dahil natuto akong tanggapin ang sarili ko.

Dahil sa’yo, narealize ‘kong pwede pa palang may mag mahal sa’kin. Pinakita mo ang halaga ko bilang isang tao.  

Dahil sa’yo, natutunan ko muli mabuhay at maging masaya. Binalik mo ang ngiting matagal ko nang binaun sa lupa. Binuhay mo ang puso ko.

Dahil sa’yo, natuto akong mag mahal ng totoo. Natuto ako maging mabuti at karapat dapat sa taong mahal ko.

Salamat dahil inintindi mo ako. Hindi mo ako sinukuan tulad ng ginawa ng iba.

Dahil sa’yo, di ko na kailangan pang mag hanap at mag tanong. Dahil ikaw na ang sagot sa lahat ng ito.

Dahil sa’yo, nawala ang takot ko. Nawala ang takot ‘kong masaktan at maiwan. Nawala  ang takot kong mag mahal at mahalin.

Dahil sa’yo, naging sigurado ako na may tatanggap at iintindi sa akin. Hindi ko na kailangan pang mag antay ng taong hindi ako sasaktan at hindi ako iiwanan.

Dahil sa’yo, hindi ko na kailangan pang manakit at manulak ng mga taong nag mamahal sa’kin. Hindi ko na kailangan mag kunwaring manhid. Hindi ko na kailangan itago lahat ng sakit na naramdaman. Hindi ko na kailangan matakot mag mahal.

Salamat sa’yo dahil tinanggap mo ako. Tinanggap mo ako kahit puro pangamba at kalungkutan ang puso’t isip ko. Tinanggap mo ako kahit wasak ang pagkatao ko. Tinanggap mo ako at muling binuo.

Salamat sa’yo dahil binaliktad mo ang buhay ko. Pinaalala mo sa’kin paano ngumiti at tumawa. Pinaalala mo sa’kin kung paano mabuhay. Kaya sana huwag kang tumigil. Sana huwag mong hayaang masira muli ang binuo mo. Sana huwag mo ‘kong iwan tulad ng iba. 

Dahil ikaw lang ang nag tangkang kilalanin ako ng mabuti. Ikaw lang ang nag pakita na deserving ako. Ikaw ang bumuo sa nawasak kong pagkatao. Ikaw ang rason kung bakit ako naging masaya.

Dahil mahal din kita.

(Originally published on October 9, 2015 through http://anonymouskoala.tumblr.com/post/130812506612/salamat)

Pin It on Pinterest

Share This