Hindi ako marunong kumanta,
Tone deaf ako kaya malabong magawa ko.
Hindi ako marunong sumayaw,
Wala sa katawan ko ang pagindak.
Hindi ako marunong mag-yoyo,
Pero yung ex ko magaling dun.
Magaling yun magpaikot.
Pero wag kayo, hihilahin ka nu’n pabalik,
Para itapon ulit palayo.
Hindi ako magaling kumanta,
Hindi ako magaling sumayaw,
Hindi ako magaling magyoyo,
Isa lang ang ang kaya kong gawin,
Ang magmahal.
Mahal, nasaan ka?
Mahal, nakikinig ka ba?
Mahal, makinig ka
Kasi may sasabihin ako sa’yo.
Ngayon ko lang ‘to sasabihin.
May gusto ako sabihin sayo’ng tatlong bagay:
[Una,] Mahal kita.
Mahal kita, hindi kita iiwanan.
Mahal kita, hindi kita pababayaan,
Mahal kita, hindi kita bibitawan.
Pangalawa, mahalaga ka.
Mahalaga ka dahil mahal kita.
Higit sa mahal kita dahil mahalaga ka.
Pangatlo, masaya ako dahil sa’yo.
Dahil ikaw ang humanap,
Ikaw ang naghanap,
Ikaw ang nakahanap.
Sa huli, tatapusin ko ang tatlong [bagay] na gusto kong sabihin sa’yo
Sa tatlong salita: ikaw, ako, tayo.
Kasi hanggang sa katapusan,
Kung aabot sa katapusan,
Mali.
Hindi natin tatapusin.
Ang “tayo”.
(Note: this was delivered, impromptu, during the Talent Night of Mythos: The Search for the Ideal Thomasian Psychology Ambassador and Ambassadress at the Education Auditorium. It had been edited for this post.)