I haven’t written in a while, just as I opened this site, I saw a comment that struck me so deeply I wish to share the words with you. These words, taken verbatim, are from an anonymous reader who left it as a comment to the post October 25, 2015. Note that I did not make any revisions to the words submitted. This is the second reader’s comment I have published, the first one is Salamat which is a comment to Hindi Ka Mahirap Mahalin.


Finals na naman at dito po kami sa website mo nag-aabang para sa ppts na kailangang aralin. Nung una nyo pong sinabi samin yung website nyo, binasa ko po ang literary works mo at nacurious dahil syempre estudyante ako at guro ka. Nagtaka ako kung bakit napaka-open mong tao tungkol sa mga nararamdaman mo, nagtaka ako na may mga ganyan pa palang tao sa mundo na dinadaan ang lahat sa pagsulat gaya ko, at higit sa lahat, nagtaka ako kung sino ang mga tao o taong sinusulatan mo. Nagtaka ako kung bakit nasasaktan ang taong kagaya mo.

Yes, Sir Argao. Isa po ako sa mga students mo ngayong school year. Dati ko pa po sana gustong magreply sa mga posts mo dito pero ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob dahil finals na rin naman. Gumawa ako ng iba pang google account para unknown talaga! Sir, pagpasensyahan nyo po ako kung sa mga susunod kong pagsasalita ay mawawala ang “po.” Maglleave ako ng comment di dahil gusto kong mapansin mo ako, di dahil trip kong mangielam ng buhay ng may buhay, di dahil gusto ko ng mataas na marka. Nandito ako para ipaalala sayo yung mahahalagang bagay hindi bilang estudyante mo pero bilang tao na nakakaunawa sa nararamdaman mo.

I have my own wordpress account and dun din ako nagsusulat ng mga nararamdaman ko. Mas okay, mas tahimik, mas totoo. Some people may find these things very emotional or bansagan mang “hugotero’t hugotera” pero iba pa rin talaga eh. We don’t write just to please people, we don’t write to be popular, nagsusulat tayo kasi gusto natin maglabas ng nararamdaman sa mga panahong hindi natin maipaliwanag sa mga taong nakapaligid sa atin at sa mga panahong walang gustong makinig sa atin. Kaya nakakatawa man pong isipin, naiintindihan po kita. Parang nakilala ko ang pagkatao mo sa mga sinusulat mo dito.

Please don’t look down on yourself. You feel like you’re not good enough? Mali ka dun. Think about your family, friends, students at sa lahat ng taong naiinspire mo not just because of your physical appearance pero dahil sa buong pagkatao mo. Successful ka dahil hardworking ka, determined ka, at may puso ka. Passionate ka sa lahat ng bagay na ginagawa mo, hindi mo man pansin pero nagiging inspiration ka ng mga tao. So sino ang hindi good enough? Wala. You’re one of a kind, Renz Argao. Sana lagi mo yang iisipin.

Last option ba kamo? Hindi. Mali ka ulit dun. Wag kang magcconclude, hasty generalization yan nako. Wag mong iisipin na lagi ka na lang last option dahil sa mga pagkakataong minahal mo ang maling tao. Open your eyes and your heart, try to look at the brighter side, salubungin mo ng yakap yung mga bagong taong darating sa buhay mo. Wag mo nang iprioritize ang mga maling tao sa buhay mo para hindi mo maramdamang last option ka. Putulin mo na yung mga ugat ng sakit at lungkot na naninirahan dyan sa puso mo. Mahirap pero that’s life. You don’t have to forget but you have to accept the reality na hindi lahat ng taong pinahahalagahan natin ay kayang pantayan yung pagmamahal na pinapakita at pinapadama natin sakanila. Then, move forward because life won’t stop for anybody. Hindi natin pwedeng sabihan ang takbo ng buhay na “Teka, pause muna tayo. Natalo ako sa laro.”

Lagi kang naffall sa taong hindi mo matawag na “iyo”? Ang sakit ‘no? Parehas po pala tayo eh! Hindi ako crush ng crush ko huhu. Kung iisipin po natin, ang saklap nya masyado. Yung pakiramdam na nagmahal ka ng buong-buo sabay iiwan ka din pala. Nakakaloko isipin na halos siya na yung naging mundo mo, na halos pinlano na lahat ng bagay sabay maglalaho lang lahat. Ang sakit kasi alalahanin yung pakiramdam na nagmahal ka ng totoo kahit na ubos na ubos ka na. Naaalala nyo pa po ba yung commercial ng Lucky Me nun yung may batang nagsabi na “Tomorrow is another day!” Totoo po yun, tomorrow is another day; another day to learn and grow. Shouldn’t we be thankful for all the heartaches? Diba dapat po magpasalamat pa rin tayo sa mga taong pinili tayong iwan, saktan, at paluhain? Kasi sa paraang na yun, pinatunayan nilang hindi sila worth it na makuha tayo. Pinatunayan nila na hindi nila tayo kayang ingatan kahit gano pa tayo ka-fragile. Para po bang they voluntarily opened a bigger door for us to accept better and happier blessings that we deserve. Wag kang mawalan ng pag-asa at wag mong iisipin na walang nagmamahal sayo dahil yung pagkabigo natin sa buhay dahan-dahan tayong dinadala sa mga tamang bagay; sa mga tamang bagay na inilaan talaga ni Lord for us.

Oo nga po pala. Gusto ko pong humingi ng tawad. Sana rin po humingi ka ng tawad sa sarili mo.

Sorry sa mga panahong naging mahina ka at halos wala nang makapitan, sorry sa mga pagkakataong gusto mo na lang umiyak pero walang masandalan, sorry sa mga oras na kinailangan mo ng totoong kaibigan pero walang mahagilap, sorry sa mga dahilang nakasakit at nakakasakit pa sayo hanggang ngayon, sorry kung may mga gabing dumaan na hindi ka nakatulog, sorry kung walang taong nasa tabi mo sa mga minutong binabalot ka ng kalungkutan at takot, sorry kung may mga taong dumating sa buhay mo para palungkutin at saktan ka. Patawad dahil mas pinili mong magmahal kahit labis na ang sakit na nararamdaman mo, sorry dahil hindi palaging nasusuklian ang pagmamahal mo, pasensya na kung minsan mong naramdaman na walang handang makinig sayo, sorry sa mga segundong wala kang mahawakang kamay sa tuwing pinanghihinaan ka ng loob.

Humihingi ako ng tawad dahil hinayaan mo ang sarili mong maubos kakamahal sa maling tao. Patawad dahil hanggang ngayon ay sinisisi mo ang sarili mo sa mga nangyari, sorry dahil nagkaroon ng isang segundo sa buhay mo na ginusto mong tumigil na lang.

Give yourself some time. Nauunawaan ko pong hindi mawawala lahat ng sakit sa isang idlap. Hindi man madali pero alam ko pong kayang-kaya mo at kakayanin mo. Let time heal your brokenness. Paggising mo isang araw, boom! Who you lahat ng taong nakasakit sayo because you’re stronger and better! Wag po kayong mag-alala, nandito po ako always, ipagccheer po kita hanggang maabot nyo po ang finish line ng pagmmoveon! Aabangan ko po kayo sa finish line ha?

You are loved. Always. You are loved. You are loved. You are loved. Kung kailangan kong ulit-ulitin yang kataga na yan ay gagawin ko hanggang sa makumbinsi kitang marami ang tunay na nagmamahal sayo. Sana po ay wag nyong hayaan yung sarili nyong makulong sa “sadness shell”, you always have the choice po. Please choose to be okay, to go on, and to be happy. Deserve nyo po yun eh. Deserve ng isang Renz Christian Argao ang true happiness. Naniniwala po kayo dun diba?

You’ll be okay. You’re loved. You’re extraordinary. I promise. Continue being an inspiration, Sir! Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan.

Hanggang dito na lang po, mala-nobela na po tong nasulat ko. BE HAPPY, ALWAYS SMILE PO! May God bless you more po!

:)

See you po sa finish line!

Pin It on Pinterest

Share This